Piang25's avatar
Piang25
piang25@bchnostr.com
npub1y8dk...ftqh
💕BenTe SinKO💕
Piang25's avatar
Piang25 1 week ago
ANG WAKAS :( Ang dami kong gustong sabihin sayu pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Siguro ito na ang paraan ko para tuluyan kang palayain. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan ko na. Mahirap palayain ang taong minahal mo nang buong puso. Yung taong nagiging kakampi mo sa lahat. Yung taong nasasandalan mo sa lahat ng pagsubok. Yung taong nagpaparamdam sayu na mahalaga ka at ka mahal mahal ka. Ikaw ‘yon sakin. At ngayon isa ka nalang alaala. Isang magandang alaala na dala ko habang unti unti akong natutong mahuhay na wala ka. Hindi ko ipinagkakaila na may mga araw pa ring ikaw ay maalala, sa mga oras na inilaan para sa isat isa, sa mga gabing ako lang ang kausap, sa mga pangarap na sabay nating binuo. Pero natutunan ko na rin na may mga bagay talaga na hindi itinadhanang magtagal, kahit gaano pa natin kagustong paghawakan. Salamat sa lahat, sa mga tawa, sa late night talks, sa tahimik na suporta, pati sa mga away na nagturo sa atin nang mga aral. Ipinadama mo sa akin ang isang pagmamahal na malalim at totoo kahit sa ikling panahon. At siguro kaya ganito ka sakit….dahil totoo ang lahat sa atin. Pero hanggang doon nalang tayo….. Siguro pinagtagpo lang tayo para magkasalubong, hindi para sabay maglalakad haggang dulo. At ayos lang ‘yon. Kahit hindi ikaw ang naging ending ko, mananatili kang bahagi ng kwento ko, ang bahaging nagturo sa akin kung paano magmahal nang walang pag-iingat, nang buong-buo. Sana maayos ka palagi. Sana matupad mo lahat ng pangarap mo. At kung hindi pa man, sana patuloy ka pa ring lumalaban, isang araw sa bawat pagkakataon. Kilala kita, kapag may gusto kang abutin ginagawa mo ang lahat para makuha mo ‘yon. Lagi akong naniniwala sa’yo. Ako? Masasabi kong okay na ako🥹. Tanggap ko na ang sitwasyon natin at ang tadhana na pinili natin. May mga sugat na peklat na lang ngayon, hindi na masakit, pero may alaala. At masaya na rin ako, sa tahimik na paraan. Ito na ang huling closure ko, hindi para kalimutan ka, kundi para tuluyan ka nang palayain. Para tanggapin na ang sa atin ay naging magandang storya kahit hindi pang habangbuhay. Mahal pa rin kita bilang nakaraan ko, pero sa paraang hindi na humihingi nang kapalit. Hindi na para balikan, kundi para pasalamatan. Kaya salamat at paalam. Hindi dahil may galit kundi dahil may kapayapaan na. Hanggang dito na lang tayo. May lugar ka pa rin sa puso ko, nakatago, tahimik, at puno ng pasasalamat. Sa ibang buhay, baka pwede. Pero sa ngayon dito na nagtatapos ang kwento natin... Makulimlim na hapon ! Kamusta na kagigising lang ni enday mula sa pagkakahimlay.... BCHNostr Fam!!!
Piang25's avatar
Piang25 1 week ago
Good morning everyone Lets make some BCHNostr ayeahh Special thanks to Mr. @Prime Architect for the zapped Lets make chismiss na hahaha whats ur almusal guys??? Coffee🥰
Piang25's avatar
Piang25 1 week ago
No matter how kind or generous you are you can never satisfy an ungrateful person. Hello BCHNostr fam just drop by ☺️ Because im having one hour break from, work so i have a little time here yeahhh... Hows your day or night??? Still awake or sleeping already yay paano sasagot if tulog na nga HAHAHA GOODMORNIGHT😚😚
Piang25's avatar
Piang25 1 week ago
HOW CAN I UNLOVE YOU? How can I unlove you when you came into my life so unexpectedly? You weren't part of my plans, hindi kita hinanap, pero ikaw ang dumating. At sa hindi ko inaasahan, ikaw yung naging dahilan kung bakit nagbago ang lahat. The way you made me feel-safe, seen, understood-parang ikaw yung sagot sa mga bagay na hindi ko naman tinatanong. And now, I'm left wondering how something so unexpected became something I can't let go of. It started so simple-usapan, tawanan, mga sandaling parang wala lang. But slowly, you became my comfort. Ikaw yung hinahanap ko sa araw-araw, yung gusto kong kausap sa gabi. Hindi ko namalayan na nahuhulog na pala ako, na nasasanay na ako sa presensya mo. And now that things are different, I'm stuck between holding on and forcing myself to let go of something I never meant to feel. So how can I unlove you, when loving you felt so natural? Paano ko tatanggalin yung nararamdaman ko kung ikaw yung naging pahinga ko? Maybe you were never meant to stay, but you became something real to me. And that's what makes it harder-kasi kahit alam kong kailangan na kitang bitawan, may parte sa'kin na umaasang baka isang araw, bumalik ka at piliin mo rin ako.. EMOTE EMOTE YARN HAHAHA BCHNostr Fam wats ur preparing for lunch???
Piang25's avatar
Piang25 1 week ago
Good morning BCHNostr fam♥️ Tara kape! Yung kape matapang Yung umiinom marupok HAHAHAHA Nakapag almusal naba ang lahat??? Have a great tuesday everyone : ) image
Piang25's avatar
Piang25 1 week ago
What's upBCHNostr fam??!! I have my late dinner aha So ganito kasi yun nakatulog ako kanina wala naman kasi akong schedule for work,kaya tinulog ko nalang kaya now lang kakain hahaha tara lets eat... Tulog naba ang iba o still browsing pa???? Goodnight /Good morning EVERYONE♥️ image