My second born,My Nephro Warrior🥹
It's been a year since madiagnose sya ng Nephrotic Syndrome,klase ng sakit sa kidney😔5 years old lang sya nun.Isang taon na rin pala namin nilalabanan ang sakit nya,Hanggang ngayon tuloy-tuloy pa din ang gamutan.Lifetime na Kasi ang sakit nya,depende na lng sa response ng katawan nya sa gamot.Ito Yung time na down na down ako😭di biro na may sakit sa myembro ng pamilya tapos anak mo pa..Feeling ko pabaya akong Ina,kaya takot ako magpost sa fb eh takot ako makabasa ng mga comments Lalo kung paano ko palakihin mga anak ko.Ang hirap,Sobra! Nalubog ako sa utang masuportahan lang ang gamutan nya,Hanggang nagka anxiety na rin ako🥺Pero sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nmin mag Ina,pinagpapasalamat ko na binigyan pa rin ako ng chance na makasama ko anak ko.Na di pa huli ang lahat para maalagaan ko pa sya ng matagal.
Pasensya na po nagdrama na ako dto,naalala ko lang talaga mga pinagdaanan nmin ng anak ko..Dito ko na lng po pinost ang nararamdamn ko ngayon Kasi alam ko dto d ako majujudge..
Magandang Gabi po sa acting lahat😊
