SUPER TYPHOON INDAY UPDATE AS OF 5 AM
UPDATE: Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility ang Super Typhoon #IndayPH. Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 1,405 km silangan ng Northern Luzon, base sa 5 AM bulletin ng PAGASA ngayong araw, July 8.
Maaaring mapanatili ng bagyo ang lakas nito bilang super typhoon hanggang bukas at posibleng humina bilang typhoon bukas ng hapon o gabi, dagdag ng ahensiya.
