Ang puno ng Balete na nasa loob ng OISCA Farm sa Lumapao, Canlaon City, Negros Oriental na ayon sa pag-aaral ay umaabot na ng 1,338 na taon ngayon.
Tumubo pa ito noong 687 C.E.(Common Era o 687 AD Anno Domini), Tinatayang 42 na tao ang dapat maghahawak-hawak para mapaikutan ang buong punong ito.
Ang Canlaon Balete Tree ay ang pinakamatanda at pinakamalaking puno sa Pilipinas na may taas na higit 60 na metro o 197 feet.
Narito ang buong listahan ng mga pinakamatatandang at prominenteng mga puno sa Pilipinas:
1. Canlaon Balete Tree, Negros Oriental | 687 C.E. pa ang estimasyon nang una itong nabuhay.
2. Millennium Tree, Aurora since | Tinatayang lumaki ito noong 1400’s.
3. Bitog Tree, Agusan del Norte | Tinatayang lumaki ito noong 1500’s.
4. Siquijor’s Century-Old Balete Tree, Siquijor | Tinatayang lumaki ito noong 1600’s.
5. Kalumpang Tree, Pangasinan | Sumibol noon pang 1770.
6. Giant Toog Tree, Agusan delSur | Sumibol noon pang 1790.
7. Giant Dao, Bulacan | Sumibol noong 1810.
8. Aguinaldo’s Chico, Cavite | tinanim noon pang 1890.
9. La Union Centennial Tree, La Union | tinanim noon pang 1896.
10. Kalayaan Tree, Bulacan | tinanim noon pang 1899.
NOTE: Ang listahang ito ay ang mga ‘oldest known Philippine trees’ na na-discovered o matagal nang natuklasan ng mga tao o nadadaanan at napupuntahan na ng madla at ang karamihan sa mga kilalang punong ito ay natuklasan sa labas ng ating mga kagubatan. Maaring may mga puno pang mas mataas ang edad ngunit nakatago sa mga liblib, masusukal at mapanganip na kagubatan ng Pilipinas.
