Minsan naiisip nating bumalik sa dati sa mga panahong simple ang lahat . Nakakamiss ang mga alaalang minsang nagpasaya sa atin at nagbigay ng tuwa. Pero ang pagbabalik sa dati ay hindi palaging nangangahulugang babalik din ang lahat sa dati nitong anyo. Nagbabago ang panahon, nagbabago ang mga tao, at pati tayo ay natutong lumago dahil sa mga karanasang pinagdaanan natin.
Marahil ang tunay na halaga ng "pagbabalik" ay hindi ang muling mabuhay sa nakaraan, kundi ang pagbabalik dala ang mas maraming aral, mas matatag na puso, at mas malinaw na pananaw sa buhay.gandang tanghali π














