Eggplant Ala Fried Chicken
Ingredients:
2–3 medium eggplants
1 pack Crispy Fry breading mix
1 egg
½ cup water
Cooking oil
Paraan:
1. Hugasan at hiwain ang eggplant nang pahaba o parang chicken strips.
2. Optional: Ibabad sa kaunting tubig na may asin nang 5–10 minutes para mabawasan ang pait. Banlawan at patuyuin.
3. Sa isang bowl, paghaluin ang 1 egg at ½ cup water.
4. Isawsaw ang bawat eggplant sa egg mixture.
5. I-roll sa Crispy Fry breading mix, siguraduhing balot na balot.
6. Painitin ang mantika sa medium heat. I-prito ang eggplant hanggang golden brown at crispy.
7. Alisin at patuluin ang mantika.
Tip: Para mas crispy, puwedeng ulitin ang coating: egg mixture → Crispy Fry → egg mixture → Crispy Fry. 😋


