Ito ay hindi kwento ng buhay ko kundi kwento ng isang ama na mag-isang nagtaguyod ng pitong anak - ang aking ama. Namulat akong tanging kapatid at ama lang ang laging kasama sa bahay . Hindi ko alam ang buong kwento kung bakit tanging ama na lamang ang meron kami . Ang alam ko lang basta nabubuhay kami ng kami lang . Si papa , simpleng mamamayan lang sa probinsya . Walang yaman, sipag lang ang puhunan. Araw - araw kayod- kalabaw para lang mabigyan kami kung ano man ang aming pangangailangan. Bundok sa umaga , dagat sa gabi . Halos dun lang umikot ang buhay nya para lang magampanan nya pagiging magulang nya . Pagpapanday, pagtatanim ng palay, pagtatanim ng gulay ,pagkokopra o kung ano pang trabaho pinasok nya. Madalas uminom ng alak at may mga araw nagagalit sya sa kunting pagkakamali ng mga kapatid ko . May mga araw na nasasaktan nya mga kapatid ko, napapalo ng paha ,kahoy o kung anong pwedeng maipalo pero hindi ibig sabihin ay masama na sya . Iniisip na lang namin siguro dala na rin ng pagod dahil halos tulog lang ang pahinga . Bago umalis ng bahay , sinisiguro nyang may pagkain na nakahain para amin . Pagdating nya naman galing bundok sinisiguro nyang lagi syang may dala : gulay, niyog , saging o kung ano pa na pwedeng maibenta ng sa ganun may masaluhan kami sa hapunan. Simpleng tatay na naghahangad sana ng tagumpay para aming magkakapatid pero sadyang madaya ang panahon . Iyong tatay na sya lang meron kami, binawian ng buhay taong 2009. Masakit pero yun siguro ang paraan para makapagpahinga na sya sa lahat ng pagod sa buhay. Pero alam nyo PINAKA the BEST ? HINDI NA SYA MULING UMIBIG PA .SINIGURO NYA LAHAT NG ATENSYON MATUTUON SA AMING pamilya. KAYA SALUDO AKO SA LAHAT NA MGA SOLO PARENT. TATAGAN NYO LANG PASASAAN MAHAHANAP NYO RIN ANG TUNAY NA KAGINHAWAAN . #SOLOPARENT

Replies (4)